Connect with us

Relief operation ni Pastor ACQ sa mga nabiktima ng baha sa Marikina, matagumpay

Muling pinangunahan ni Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ katuwang ang Childrens Joy Foundation, Sonshine Philippines Movement at SMNI Foundation ang matagumpay na relief operations para sa mga apektado ng pagbaha sa Marikina City.

Metro News

Relief operation ni Pastor ACQ sa mga nabiktima ng baha sa Marikina, matagumpay

Muling pinangunahan ni Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ katuwang ang Childrens Joy Foundation, Sonshine Philippines Movement at SMNI Foundation ang matagumpay na relief operations para sa mga apektado ng pagbaha sa Marikina City.

Nagpaabot naman ng taos-puso ang pasasalamat ng mga residente sa mga tulong na natanggap mula sa butihing pastor.

Ilang mga lugar sa kalakhang Maynila ang nakaranas ng pagbaha dahil sa magdamag na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng bagyong Fabian na pinatindi ng Habagat.

Sa Marikina, muling binalot ng takot at pangamba ang libo-libong residente matapos na tumaas ang antas ng tubig sa Marikina River dahil sa magdamagang pag-ulan.

Ayon sa mga residente, marami pa sa kanila ang hindi pa nakabangon mula sa pananalasa ng bagyong Ulysesses.

Kuwento ni Aling Nori, 53, na naninirahan sa Brgy. Malanday, bakas parin sa kanyang alaala sa naging karanasan nito sa mga nagdaaang bagyo.

Maliban sa banta na dala ng bagyo at COVID-19 pandemic, pahirapan din ang paghahanap ng makakain kada araw para sa pamilya ni Aling Nori mula ng nastroke ang kanyang asawa noong taong 2020 na dating security guard.

Kaya naman, upang magbigay ng pag-asa sa mga kababayang apektado ng pagbaha ay muling nag-abot ng tulong ang Chairman ng Sonshine Media Network International na si Rev. Dr. Pastor Apollo C Quiboloy.

Nasa 300 pamilya mula sa Brgy. Malanday ang inabutan ng mga food at non-food items kagaya ng bigas, canned goods, kape, sangkap pangluto, at marami pang iba.

Nakiisa rin ang Galillee Purified Drinking Water, isa sa mga sponsor at sumusuporta sa humanitarian efforts ni Pastor Apollo Quiboloy, kung saan namigay ng dose-dosenang bottled waters kada pamilya.

Nakatanggap rin ng mga food packs ang mga benepisyaryo mula sa butihing Pastor.

Maliban sa ayuda ay namigay din ng mga laruan at school supplies ang Childrens Joy Foundation Inc. para sa mga kabataan.

Taus-pusong pasasalamat naman ang isinukli sa butihing pastor dahil sa kabila ng layo ng Davao City sa Marikina ay hindi pa rin sila nakalimutan ni Pastor Apollo, bagay na tatatak sa kanilang mga puso at isipan.

More in Metro News

Latest News

To Top