Connect with us

Rekomendasyon para sa paggamit ng Sinovac sa senior citizens, isinumite na sa DOH

Kinumpirma ni Dr. Rontgene Solante na nagpadala na sila ng rekomendasyon sa DOH kaugnay sa isyu kung puwedeng ipagamit ng Sinovac sa mga nakatatanda.

National News

Rekomendasyon para sa paggamit ng Sinovac sa senior citizens, isinumite na sa DOH

Kinumpirma ni vaccine at infectious disease expert, Dr. Rontgene Solante na nagpadala na sila ng rekomendasyon sa Department of Health(DOH) kaugnay sa isyu kung puwedeng ipagamit o hindi ang bakuna ng Sinovac sa mga nakatatanda.

Ito ay kasabay ng patuloy na paghihintay ng Food and Drug Administration (FDA) ng mga patunay mula sa Sinovac na ligtas at epektibong gamitin sa mga may edad 60 pataas ang bakunang coronavac.

Gayunman ay tumanggi si Dr. Solante na idetalye kung ano ang rekomendasyon nila sa DOH dahil mas mainam anya na mismong ang kagawaran ang  maglalabas ng anunsiyo.

Sinabi pa ni Dr. Solante na bukod sa China at Hongkong ay ginagamit na rin ang Coronavac sa mga edad 60 pataas maging sa Indonesia at Turkey.

Magugunitang una nang sinabi Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kulang na ang suplay ng bakuna ng AstraZeneca na gamit sa mga nakatatanda at hindi magamit ang gawa ng Sinovac dahil wala pang datos tungkol dito.

More in National News

Latest News

To Top