Connect with us

Regulasyon sa paglalagay ng asin sa mga pagkain, kinakailangan na – DOH

asin

Health

Regulasyon sa paglalagay ng asin sa mga pagkain, kinakailangan na – DOH

Iginiit ng Department of Health na kailangan ng magkaroon ng regulasyon  sa paglalagay ng asin sa mga pagkain na nabibili sa merkado.

Ayon kay Health Usec. Myrna C. Cabotaje, ang sobrang asin sa pagkain ang isa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng hypertension, chronic kidney disease at ng iba pang non-communicable disease ang isang tao.

Batay sa impormasyon ng DOH, tinatayang  nasa 11 gramo ng asin ang nacoconsume ng isang tao sa isang araw gayong 5 grams lamang ang inirekomenda ng World Health Organization (WHO).



Naitala naman ng DOH ang 68% na kaso ng premature deaths sa bansa bunsod ng mga non-communicable disease.

Sinasabi namang P756B kada taon ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa pagiging unproductive ng mga Pilipino na tinatamaan ng mga non communicable disease gaya ng diabetes, hypertension, cardio vascular disease at marami pang iba.

Ulat ni Margot Gonzales

More in Health

To Top