Connect with us

Red Cross, nanindigan na hindi pwedeng i-audit ng COA

Iginiit ng Philippine Red Cross (PRC) na hindi maaring maipaudit sa COA ang  buong organisasyon.

National News

Red Cross, nanindigan na hindi pwedeng i-audit ng COA

Iginiit ng Philippine Red Cross (PRC) na hindi maaring maipa-audit sa COA ang  buong organisasyon.

Ito ay kasunod ng banta ni Pang. Rodrigo Duterte na puputulin ng gobyerno ang suporta sa PRC kung ayaw ni Sen. Richard Gordon, ang chairman ng PRC na maipa audit ng COA.

Giit ni Atty. Lorna Kapunan, isa sa mga governor ng PRC na independent at non gov’t oganization ang Red Cross simula pa noong taong 2009 at hindi sila pwedeng galawin ng pamahalaan.

Sakabila nito ay aminado si Kapunan na maaring i-audit ang lahat ng subsidiya na galing sa pamahalaan gaya ng inihayag ni Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra.

Pero pagdating sa mga pribadong donasyon giit ni Kapunan na hindi na ito kayang pakialaman ng COA, “ang private donations are private donations. Ang private donations are not gov’t donations. Ang sinasabi ko hindi pwedeng i-audit ang buong Red Cross. Ang PRC ay hindi Senator Gordon, it is not own by Senator Gordon. PRC is consists of more than 100 chapters nationwide with more than 2-M volunteers existing from 2009. So klarong-klaro hindi naman natin pwede i-subject sa audit ang isang independent na NGO.”

Ayon pa kay Kapunan, kalahating milyon lamang ang natatanggap na subsidiya ng PhilHealth mula sa Philippine  Charity Sweeptakes Office (PCSO) at ito ay handang i-paudit ng COA.

“Ang pwedeng i-audit ay ang subsidies na binigay ng gov’t. Wala pa namang binibigay na subsidy ang gov’t. Ang nasa charter ng Red Cross only subsidies na nasa batas na ibigay sa Red Cross ay isang lotter ng Philippine Sweepstakes nu’. Magkano lang naman ‘yon? katiting lang ‘yon. I think when I asked the Red Cross, magkano ba ang share natin sa Philippine Sweepstakes lottery, eh half a million lang . P500, 000 lang pwede namang i-audit ‘yon”.

Pagdating naman daw sa mga subsidiya na natatanggap ng PRC sa  mga ahensya ng gobyerno tulad ng DOH ay dapat ang mga ahensyang ito ang audit ng COA.

Giit pa ng PRC, hindi daw sila natatakot sa banta ni Pangulong Duterte.

“ We are not siding with any gov’t any president at political party. Impartial po ang Red Cross. Neutral, independent at para sa humanitarian service so hindi po kami natatakot sa threat ng presidente ginagalang namin ang presidente but the president cannot threaten the Red Cross kasi humanatarian organization  tayo”.

Samantala, naniniwala naman si Senator Richard Gordon na ang pagbabanta ng Presidente sa PRC ay paraan lamang daw para madistract ang mga senador sa ginagawang pag-iimbestiga laban sa DOH.

More in National News

Latest News

To Top