Connect with us

“Recyclables  mo, Palit grocery ko project”, inilunsad ng MMDA

"Recyclables mo, Palit grocery ko project", inilunsad ng MMDA

National News

“Recyclables  mo, Palit grocery ko project”, inilunsad ng MMDA

Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “Recyclables  mo, palit grocery ko” project.

Open Photo

Bilang tugon ito sa patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa kung saan milyon-milyong Pilipino ang apekatdo.

Open Photo

Isang programang layon na makatulong na suportahan kahit papaano  ang pangangailangan ng mga residente mula sa mga piling Brgy. o lugar na magsisilbing benepisyaryo ng programa.

Dito hinikayat ang mga residente na ipunin ang mga recyclable materials gaya ng dyaryo, karton, mga lata bakal at mga bote at kapalit nito ay grocery items depende sa magiging bilang ng timbang nito.

Kaniya-kaniyang bitbit ang mga residente ng Brg. Sto Rosario kanluran sa bayan ng Pateros.

Anila, kaysa naman na ikalat at itapon lang sa kung saan ang mga basura, mas mainam anila na itago upang mapakinabangan pa.

Ayon kay Arjay Calzada, project manager ng MMD Flood Management Project, bukod sa mga recyclables, inilunsad din ang proper composting sa lugar.

Sa pamamagitan ng paglalagay ng composting facility sa bawat Brgy. makatutulong ito upang ito na magkaroon ng malawak na mapagkukunan ng fertilizer o pataba na gagamitin naman sa mga itatakdang urban garndening program ng bawat lugar.

Katuwang ang Ayala Land Corporatiion, inaasahan na mas lalawak pa ang programa para sa tuluy-tuloy na tulong sa mga apekatdong pamilya dulot ng pandemiya.

More in National News

Latest News

To Top