Connect with us

Recruitment ng NPA sa mga eskwelahan sa Mindanao, tinututukan ng AFP

Nakikipag-ugnayan na ang Armed Forces of the Philippines sa Department of Education (DepEd), mga eskwelahan sa Mindanao, Local Government Units at iba pang ahensya ng gobyerno.

Regional

Ito ay upang mapigilan ang recruitment ng mga terorista sa mga eskwelahan sa Mindanao lalo na sa mga kabataan.

Ayon kay AFP chief of staff General Gilbert Gapay, isa ito sa mahalagang istratehiya nila upang malabanan ang terorismo sa bansa.

Maliban dito, gumagawa rin sila ng mga hakbang upang mapigilan ang pagpasok ng mga dayuhang terorista sa bansa lalo’t sinasanay nila ang ilang pinoy na maging suicide bomber.

Taong 2019 nang kinumpirma ng militar ang kauna-unang Filipino na suicide bomber na si Norman Lasuca matapos ang pagsabog sa Indanan, Sulu na ikinasawi ng 8 katao at 12 ang sugatan.

Samantala, nito lamang linggo nang maaresto ng pulisya ang isang senior member at 3 Abu Sayyaf sa operasyon sa Zamboanga City.

More in Regional

To Top