Recovery plan binubuo pamahalaan

Recovery plan ng bansa, binubuo na ng pamahalaan

National News

Binubuo na ng pamahalaan ang COVID-19 recovery plan ng bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang weekly report alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act.

Ayon kay Pangulong Duterte, kinukunsulta na ng National Economic and Development Authority sa civil society organizations at ilang representative mula sa pribadong sektor para planuhin ang pagbawi ng ekonomiya ng bansa.

Sa ngayon, kumakalap pa ng mga rekomendasyon at opinyon ang NEDA mula sa IATF members para sa pinaplantsa nilang plano.

Patuloy namang tina-trabaho ang draft ng mga pribadong sektor sa technical paper ng we heal as one.

Bahagi naman ng istratehiya ng gobyerno para labanan ang COVID-19 ang response, mitigation, at transition sa new normal.