Connect with us

Rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan sa Duterte Admin., higit 18K na

Tuluyan nang in-adopt ng Kamara ang apat na House Concurrent Resolution, bilang suporta sa pagbibigay amnestiya sa ilang rebel groups.

National News

Rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan sa Duterte Admin., higit 18K na

Simula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto noong 2016 ay libu-libong mga rebelde na ang nahikayat na magbalik-loob sa pamahalaan sa pamamagitan ng “whole of the nation approach”.

Ang karamihan sa kanila ay CPP-NPA-NDF at kasapi ng Abu Sayaff Group.

Sa datos ng Philippine Army, mayroon ng kabuuang 18,433 ang mga sumuko simula 2016 kasama na dito ang  92 na tinatawag na child soldiers.

Kabilang din ang mga matataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF na nagbalik loob sa pamahalaan ay sina Renante Mantos a,k.a. ‘Nante’ at ‘Roy’, Pinuno ng guerilla front ng Davao del Norte, si Eddie Genelsa na kilala sa mga pangalang  ‘Lando’, ‘Pahak’, ‘Brad’, at si ‘Jumbo’, na commanding officer at maging ang isang miyembro ng peace pannel ng National Democratic Front(NDF) na naka base sa Norway.

Nitong Lunes, sa  weekly virtual press conference ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sinabi ni Maj. Gen. Ernesto C. Torres, commander ng 10th Infantry Division ng Philippine Army Southern Mindanao, naipasara na ang 82 na mga paaralang ginagamit ng rebeldeng grupo para turuan ang mga kabataan na maghimagsik sa pamahalaan at sa ngayon ay napalitan na ito ng 35 na paaralan na accredited ng Department of Education (DepEd).

Ayon naman kay  Undersecretary Reynaldo Mapagu ng Task Force Balik Loob, mahigit 41,000 na sumuko ang natulungan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

239 dito ay nabigyan ng pabahay, 9,188 naman ang nabigyan ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at 1,845 ang nabigyan na ng trabaho ng Department of Trade and Industry(DTI).

9,103 naman ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ang 21,549 ay napapa-aral na sa TESDA.

Nilinaw naman ni Torres na ang natatamasa ngayon ng mga surrenderree katulad na lamang ng cash assistance at mga tulong pangkabuhayan ay hindi pabuya kundi tulong para makapagsimula sila sa panibagong yugto ng kanilang buhay.

 

More in National News

Latest News

To Top