Rappler CEO Maria Ressa

Rappler CEO Maria Ressa, naghain ng not guilty plea

National News

Naghain ng not guilty plea si Rappler CEO Maria Ressa sa kaniyang arraignment sa Pasig Regional Trial Court Branch 157 kaugnay sa kanyang ika-limang tax case.

Ang reklamo ay may kaugnayan sa pagbibigay ng maling impormasyon tungkol sa vat return ng Rappler noong 2nd quarter ng 2015.

May hindi nabayaran na halos P300,000 ang kumpanya.

Nahaharap din si Ressa at ang Rappler sa apat pang tax case sa Court of Tax Appeals (CTA).