Rappler CEO Maria Ressa

Rappler CEO Maria Ressa, guilty sa kasong cyber libel

National News
Hinatulang guilty sa kasong cyber libel ng Manila Regional Trial Court Branch 46 si Rappler CEO Maria Ressa and former researcher-writer Reynaldo Santos Jr. kaugnay sa isang news article na orihinal na inilabas ng Rappler noong 2012 at umano’y muli na namang inilabas sa 2014.

Sa inilabas na hatol ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Manila RTC Branch 46, napatunayang “guilty beyond reasonable doubt” si Ressa at Santos sa kasong isinampa laban sa kanila.

Dahil rito, ipinag-utos ng husgado ang pagkakakulong ng sa mga ito ng 6 na buwan at 1 araw hanggang 6 na taon. Pinagbabayad din sila ng P200,000 na moral damages at P200,000 exemplary damages.

Matatandaan na kinasuhan si Ressa at Santos noong Enero 2019 dahil sa artikulong isinulat tungkol sa negosyanteng si Wilfredo Keng na nagsasangkot dito sa human trafficking at drug smuggling.

Samantala, binigyan naman ng Korte ang dalawa ng pagkakataon na magpiyansa para sa pansamantalang kalayaan.