Connect with us

Rappler at ABS-CBN, hiningan ng public apology ng kampo ng Mangudadatu dahil sa fake news

Isang public apology ang hiningi ng kampo ng mga mangudadatu sa maguindanao sa mga management ng media outlets na Rappler at ABS-CBN

National News

Rappler at ABS-CBN, hiningan ng public apology ng kampo ng Mangudadatu dahil sa fake news

Isang public apology ang hiningi ng kampo ng mga Mangudadatu sa Maguindanao sa mga management ng media outlets na Rappler at ABS-CBN.

Ito’y matapos ibalita ng dalawang media outlet na lumipat sa Aksyon Demokratiko Party ni Manila Mayor Isko Moreno sina Maguindanao 2nd District Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu at Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.

Sa opisyal na pahayag ni Bai Mariam, nilinaw nito na hindi tama at walang katotohanan ang balitang isinulat noong Biyernes, Oktubre a-1 ni Pia Ranada ng Rappler at ni Katrina Domingo ng ABS-CBN noong Oktubre a-2.

Ayon pa kay Mangudadatu, matinding pagkadismaya ang kanilang naramdaman sa iresponsableng pamamahayag ng dalawang media outlet sa kasagsagan ng paghahain ng kandidatura para sa nalalapit na eleksyon.

Giit pa ni Mangudadatu, naipalabas ang naturang balita sa mga social media accounts at websites ng Rappler at ABS-CBN na milyon-milyon ang mga follower kaya ito mas naging kasuklam-suklam at mas walang kapatawaran.

Naniwala si Bai Mariam na mayroong taong nasa likod ng naturang balita na hindi lang aniya gustong lokohin si Pangulong Rodrigo Duterte kundi para iligaw ang mga taga-Maguindanao.

Nilinaw ni Bai Mariam na ang kanilang kaalyado sa pulitika sa Maguindanao ay nanumpa sa Nacionalista Party at sa kanilang lokal na partidong UMP o Umpungan ng Magpamalasakit Party.

Binigyang-diin din ni Bai Mariam na suportado nila si Pangulong Duterte, Sen. Bong Go at kanilang mga kaalyado.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top