Rapid testing hindi kailangan bago magbalik sa trabaho – DOH

National News

Hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagsasailalim sa rapid testing sa mga empleyadong magbabalik trabaho dahil nagpapakita itong false positive o false negative na resulta.

Ito ang tugon ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa panawagan ng ilang grupo na gumamit ng rapid tests ang mga nagbabalik trabaho upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19

Ayon kay Vergeire, ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ay hindi dapat maging kondisyon ang resulta ng rapid testing upang makabalik sa trabaho bagama’t maraming kompanya ang gumagamit nito bilang clearance para makabalik trabaho ang empleyado.

Magugunitang noong Abril sinabihan ni DTI Sec. Ramon Lopez ang mga kompanya na suriin muna ang kanilang empleyado bago bumalik mula ng luwagan ang restriksyon para sa community quarantine.