Connect with us

Ramon Ang ng San Miguel Corporation, bukas na ibenta pabalik sa pamahalaan ang Petron

Ramon Ang ng San Miguel Corporation, bukas na ibenta pabalik sa pamahalaan ang Petron

National News

Ramon Ang ng San Miguel Corporation, bukas na ibenta pabalik sa pamahalaan ang Petron

Handa si San Miguel Corporation big boss Ramon Ang na ibenta pabalik sa pamahalaan ang Petron Corporation.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means, inalok ni Ang ang gobyerno na bilhin ang Petron o di kaya ay ipautang sa gobyerno sa loop ng 5 taon.

 “Yung sina-suggest na bilhin ng gobyerno ‘yung Petron, privatization, anytime po puwede ko pa ipautang sa Philippine government, bilhin ninyo ito ng over five years to pay, ano ho ‘yan, I swear kung gusto ng gobyerno bilhin handa niyo na, sabihin niyo na, bebenta ko kaagad sa inyo. Pagawaan niyo na ng valuation immediately, walang arte-arte,” saad ni Ang.

Tiniyak rin ni Ang na hindi niya tutubuan ang pagbebenta ng Petron sa gobyerno.

“Kung sa tingin ninyo jackpot ‘yung negosyong ‘yan, let the government buy it, market valuation ‘yan di ko kailangan tubuan ang gobyerno,” diin nito.

Aminado naman ang negosyante na malaki ang kanilang lugi noong nakaraang taon sa simula ng pandemya na umabot sa P18 billion.

Matatandaan na pag-aari ng gobyerno ang Petron Corp. bago ito naisapubliko.

More in National News

Latest News

To Top