Connect with us

Rabiya Mateo, nangunguna sa initial tally sa Miss Universe 2020 online voting

Inilabas na ng online voting app para sa Miss Universe 2020 ang initial results nito kung sino ang mga nangungunang kandidata para sa 2020 Miss Universe

National News

Rabiya Mateo, nangunguna sa initial tally sa Miss Universe 2020 online voting

Inilabas na ng online voting app para sa Miss Universe 2020 ang initial results nito kung sino ang mga nangungunang kandidata para sa Miss Universe na sinalihan ngayon ng pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Batay sa inilabas na resulta ng Lazada App, nangunguna si Rabiya sa kanilang partial tally para sa Miss Universe.

Sinundan siya ng Vietnam, Indonesia, Thailand, Malaysia, Romania, Armenia at Singapore.

Hindi pa kasali sa tally na ito ang boto sa Miss Universe App.

Para sa ibang update sa Miss U, dumating na sa Florida ang pambato ng Thailand na si Amanda Obdam.

Si Amanda at si Rabiya ang matunog ngayon sa mga kandidata ng Miss Universe dito sa Asia dahil na rin sa mga tagasuporta ng dalawa na ikinukumpara ang dalawa.

Samantala, confident naman ang supporters ng ating pambato kung ang ibang kandidata ay mahigit 100 outfits, si Rabiya naman ay mayroong 100 designers.

More in National News

Latest News

To Top