Connect with us

Quo warranto petition laban sa ABS-CBN, inihain sa Korte Suprema

Hindi na makukuhang muli ng ABS-CBN ang kanilang dating frequency kung mapagkakalooban sila ng prangkisa.Inihayag ni Franchise Lawyer Atty. Rolex Suplico

National News

Quo warranto petition laban sa ABS-CBN, inihain sa Korte Suprema

Inihain ni Solicitor General Jose Calida Jr sa Korte Suprema ang quo warranto petition laban sa ABS-CBN Broadcasting Network.

Sa ilalim ng nasabing petisyon ang pagkuwestiyon ni Calida sa umano’y paglabag ng ABS-CBN sa mga batas.

Isa na rito ang sinasabing “broadcasting for a fee” ng network na labas na sa sakop ng legislative franchise na ipinagkaloob ng estado.

Napag-alaman din ni Calida na hindi ipinaalam ng ABS-CBN ang tinatanggap na malaking foreign investments sa network na labag sa ilalim ng Section 11, Article XVI of the Constitution.

Isa na dito ang operated pay-per-view channel nito sa ABS-CBN TV Plus mula sa KBO Channel na labag sa mandato nito bilang broadcasting network kung saan bawal itong tumanggap ng bayad mula sa mga subscribers na wala ring kaukulang permiso mula sa National Telecommunication Commission.

Mas nangibabaw pa umano dito ang kita kaysa kapakanan ng sambayanang Pilipino bilang isang free television network.

Samantala, nakalabag din sa foreign ownership restriction ang TV network sa ilalim ng kaparehong batas Section 11 Article XVI kung saan mas malaki ang stocks ng foreign investors kaysa local investments kung saan sinasabi na sa batas na alinmang mass media ay dapat 100% na pag-aari ng Pilipino at hindi ng banyaga upang hindi maikompromiso ang pananaw kaugnay sa economic, political at socio-cultural landscape sa pamamahayag.

Sa huli, ipinatatanggal din ng opisina ng SolGen ang prangkisa ng ABS-CBN Convergence Incorporated dahil sa kawalan ng permiso sa pamamagitan ng congressional approval ang paglipat ng pangalan nito mula sa pamgalan nitong multi-media Telepony Incorporated.

Bigo din ito magsapubliko ng kanilang capital stock sa loob ng limang taon bago ang operasyon nito.

Iginiit ni Calida, na ang nasabing prangkisa sa alinmang mass media entity sa bansa ay kailangang sumunod sa nasasaad sa batas at para lamang sa kapakanan ng sambayanang Pilipino na naayon sa konstitusyon.

More in National News

Latest News

To Top