Umabot na sa 192 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon Province ito ay matapos makapagtala ng 8 na panibagong kaso.

Quezon Province, nakapagtala ng 8 bagong kaso ng COVID-19

Regional

Umabot na sa 192 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon Province.

Ito ay matapos makapagtala ang probinsya ng 8 pang kaso.

Sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Quezon Public Information Office (QPIO), na-trace ang 4 na bagong kaso sa Lucena at tig-1 sa mga bayan ng Candelaria, Pagbilao, Patnanungan, at Mulanay.

Mula sa 41 munisipalidad sa probinsya, 14 na lamang ang nanatiling COVID-19-free.

Hanggang ngayong araw, mayroon ang Quezon ng 140 na gumaling, 11 na nasawi at 41 ang nanatiling active cases carriers.

Nasa 33 katao naman na hinihinalang may dala ng virus ang naka-isolate sa mga medical facility at minomonitor habang nasa 47 ang naka-home quarantine.