Ipatutupad na mga hakbang ng QC laban sa COVID-19, kasado na

Quezon City, magtatayo ng protection shelter para sa mga naaabusong kababaihan

Metro News

Sinabi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na sisimulan na nilang itayo ang isang protection shelter bilang tugon sa dumadaming kaso ng violence against women and children sa kanilang lungsod.

Sa pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, sinabi nito na magkakaroon na ang QC ng shelter na nakasailalim sa QC Protection Center (QCPC) na tatanggap sa mga kababaihan at kabataang nakakaranas ng panga-abuso.

Bukod dito, ang counceling at legal advice na kasalukuyang inaalok ng QCPC ay magiging available na rin via crisis helpline.

Dagdag pa ni Belmonte, ang tindahan ni Ate Joy Livelihood Program na namamahagi ng mga sari-sari store start-up packages sa mga single parents ay maaari na ring ibigay sa mga violence against women survivors.

Matatandaan na sa ika-11 report sa kongreso ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo a-8, sinabi nito na nakatanggap sila ng nasa 3,600 na kaso ng violence against women and children mula nang ipatupad ang Enhance Community Quarantine(ECQ) sa buong Luzon.