Connect with us

Quarantine violators sa NCR, tumaas pa

Brgy. officials, maaaring arestuhin ang hindi bakunadong indibidwal sa kanilang nasasakupan

National News

Quarantine violators sa NCR, tumaas pa

Sumampa na sa 160,297 ang mga lumabag sa General Community Quarantine (GCQ) alert level 4 sa National Capital Region (NCR), batay sa datos ng Philippine National Police (PNP).

Ngayong Huwebes, Setyembre 30, 2021 matatapos ang umiiral na quarantine classification sa NCR.

Sa bilang ng mga lumabag sa GCQ ay 82,837 ang mga nasita, 67,849 ang mga pinagmulta at 9,611 ang iba pang quarantine violators.

Nakapagtala naman ng 44,556 na mga lumabag sa curfew at 1,823 na mga lumabag na non-APOR.

Patuloy ang paalala ng PNP sa publiko na sundin ang pinaiiral na health protocols sa gitna ng mataas na kaso ng COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top