Connect with us

Quarantine pass, ibibigay sa mga piling hindi bakunadong indibidwal – DILG

Quarantine pass, ibibigay sa mga piling hindi bakunadong indibidwal - DILG

National News

Quarantine pass, ibibigay sa mga piling hindi bakunadong indibidwal – DILG

Uumpisahan muli ang pagbibigay ng quarantine pass.

Para ito sa mga hindi bakunadong indibidwal na kinakailangan talagang lumabas ng bahay ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Martin Dino sa panayam ng Sonshine Radio.

Para naman sa mga gustong magpabakuna subalit may medical conditions, nilinaw ni Dino na may ibang treatment para sa kanila.

Inaanyayahan rin muli ng DILG ang lahat na nagpositibo sa virus na magbigay-alam sa kanilang barangay.

Ito’y para mabigyan ng kaukulang tulong mula sa pamahalaan.

Samantala, sa mga barangay official na hindi pa nabakunahan, sinabi ni Dino na dodoblehin ang parusang ipapataw sa kanila.

Aniya, siguradong hindi mapapasunod ang mga nasasakupan nila kung mismong sila ay hindi rin tumalima sa panawagang magpabakuna na kontra sa COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top