quarantine pass GCQ

Quarantine pass, hindi na kailangan sa GCQ

National News

Hindi na kailangang magprisinta ng quarantine pass ang mga indibidwal na papayagang makalabas ng kanilang mga bahay.

Ito ang naging pahayag ni Philippine National Police-Joint Task Force Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar bunsod sa rekomendasyon ng Metro Manila mayors na ibaba na sa general community quarantine ang kalakhang Maynila.

Kabilang sa mga hindi na kailangan ang quarantine pass ay frontliners, workers na employed sa ilalim ng awtorisadong industriya, senior citizens, at ang mga nasa edad na 21 hanggang 51.

Ani Eleazar, sa ilalim ng GCQ, mas marami ang pinapayagang lumabas lalo na sa pagbili ng kanilang mga pangangailangan.

Nilinaw din ng opisyal na  kailangan pa ring gumamit ng face mask bilang proteksyon.

Inirekomenda rin ng task force sa mga edad 0 hanggang 21 at nasa 60-anyos pataas ay dapat manatili sa kanilang mga tahanan.