Inanunsyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na positibo siya sa COVID-19.

QC Mayor Joy Belmonte, positibo sa COVID-19

Metro News

Inanunsyo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na positibo siya sa COVID-19.

Ito mismo ay kanyang kinumpirma.

Ayon sa alkalde, maayos naman ang kanyang kalagayan at wala siyang nararamdaman na sintomas.

Mahigpit din aniya na sinusundan lahat ng quarantine protocols ng Department of Health at sinimulan na ang contact tracing sa lahat ng kanyang nakasalamuha.

Dahil dito, pansamantalang isinara ang tanggapan ng mayor upang mabigyang daan ang dis-infection kasama ang common areas sa City Hall.

Pinaalalahanan din nito ang publiko na mag-ingat  dahil sa kabila ng kanyang pagsusuot ng facemask, pagsunod sa social distancing at paghuhugas ng kamay ay nahawaan parin ito ng COVID-19.

Tiniyak naman ni Mayor  Belmonte na patuloy ang kanyang serbisyo at gawain kahit siya ay naka-quarantine.

Kahit limitado aniya ang kanyang galaw ay sinisiguro nito na kanyang tututukan ang kalagayan at pangangailangan ng buong lungsod.

Sa huli, tiniyak nito ang kanyang paggaling upang personal na makasama at makapagsilbi sa bayan.