Connect with us

Pwersa ng rebeldeng CPP-NPA, tuluyan nang humina

Tuluyan nang humina ang pwersa ng rebeldeng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

National News

Pwersa ng rebeldeng CPP-NPA, tuluyan nang humina

Tuluyan nang humina ang pwersa ng rebeldeng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ang sinabi ni Philippine National Police Chief Gen. Debold Sinas kasunod ng ulat nitong umabot na sa halos tatlong libong teroristang miyembro ng naturang grupo ang sumuko sa pamahalaan mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.

Paliwanag pa ng PNP chief, isa rin sa senyales ng paghina ng komunistang grupo ang kanilang kawalan ng aksyon sa araw ng kanilang anibersaryo sa kabila ng kanilang mas pinalakas ng opensiba laban sa pwersa ng pamahalaan.

Sa kabuuan, sinabi ni Sinas na umabot na sa 3,312 na mga miyembro ng CPP-NPA ang naitala kung saan 366 dito ay naaresto, 117 ang nasawi sa mga operasyon ng militar, at 2,829 ang sumurender sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya.

Ayon kay Sinas, noong Sabado lamang, Disyembre 26, nang ipagdiwang ng CPP ang kanilang ika-52 anibersaryo ay nasa 32 rebelde ang sumurender at tuluyang tinalikuran ang pagiging miyembro ng CPP at ng NPA sa CARAGA at Eastern Visayas.

Image may contain: one or more people, people standing and text

Noong Sabado rin, dalawang lider ng CPP-NPA-NDF na wanted dahil sa kasong kidnapping at murder ang nahuli sa Quezon Province.

Sa ngayon ani Sinas, nasa 350 na nagbabalik-loob na rebelde na ang na-enrol sa enhanced comprehensive local integration program (E-CLIP) ng pamahalaan bilang pagtulong para manumbalik sa normal ang kanilang buhay kasama ng kanilang mga pamilya.

 

 

More in National News

Latest News

To Top