Connect with us

Pwersa ng NPA sa Eastern Samar, humihina na

Humihina na ang pwersa ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF. Ito ang tiniyak ni Co. Ramon Zagala, Spokesperson ng Armed Forces of the Philippines

Regional

Pwersa ng NPA sa Eastern Samar, humihina na

Humihina na ang pwersa ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Ito ang tiniyak ni Co. Ramon Zagala, Spokesperson ng Armed Forces of the Philippines sa panayam ng Sonshine Radio kaugnay sa nangyaring engkwentro ng mga sundalo laban sa rebeldeng New People’s Army sa Dolores, Eastern Samar.

Matatandaan na 16 mula sa mga terorista ang namatay matapos rumesbak ang mga sundalo sa nangyaring pagpapasabog ng npa sa isang village sa Osmena Dolores, alas 4 ng umaga noong Lunes, Agosto 16

Samantala, ibinahagi pa ni Zagala na ang mga negosyante ay naglalaan talaga ng pondo para ipamigay sa NPA noong araw sa takot na tirahin sila subalit unti-unti na itong nasosolusyonan sa kasalukuyan.

Isang malaking tulong rin aniya ang mga development program na ginagawa ng NTF-ELCAC para sa mga rebeldeng nagbabalik-loob sa pamahalaan.

More in Regional

Latest News

To Top