Connect with us

Pwersa ng NPA, mas lalo pang humina sa pagkamatay ng high-ranking leader nito

61 indibidwal sa Abra, kumalas ng suporta sa NPA

National News

Pwersa ng NPA, mas lalo pang humina sa pagkamatay ng high-ranking leader nito

Lalo pang humina ang pwersa ng rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos mamatay ang isa pang mataas na lider ng mga ito sa Davao de Oro.

Ayon kay AFP Brig. Gen. Jesus Durante, commander ng 100st Infantry Brigade, nasawi ang 96 na taong gulang na si Menandro Villanueva sa nangyaring sagupaan sa Barangay Libudon sa bayan ng Mabini.

Ani Durante, kinilala ng isang nagbalik-loob na rebelde na ngayon ay nagtatrabaho sa army si Villanueva nang dinala ito sa ospital.

Matatandaan na nasawi din noong Oktubre ang isa pang mataas na lider ng rebeldeng grupo na si Jorge ‘Ka Oris’ Madlos sa Bukidnon.

Ayon sa militar, kilala si Villanueva sa NPA bilang si Bok na naging pinakamahabang nagsilbi bilang secretary ng Southern Mindanao Regional Committee ng Communist Party of the Philippines.

Pinamumunuan din ni Villanueva ang Komisyong Mindanao, isang miyembro ng Politburo ng Central Committee ng CPP, at hepe din ito ng National Operations Command ng NPA.

Una na ring sinabi ng militar na nahaharap sa kasong murder at may patong na P5.6 – M ang ulo ng rebeldeng si Villanueva.

More in National News

Latest News

To Top