Connect with us

Putatan water treatment plant sa Muntinlupa, pansamantalang isasara

Isasara  pansamantala ng  Maynilad ang Potatan water treatment  plant  sa Muntinlupa City.

Metro News

Putatan water treatment plant sa Muntinlupa, pansamantalang isasara

Isasara  pansamantala ng  Maynilad ang Putatan water treatment  plant  sa Muntinlupa City.

Ito ay dahil sa  maintenance  works  at  upgrading na  gagawin sa nasabing pasilidad  kasama  na  ang  enhancement  activities  sa mga  pipe  network  sa  Cavite  City.

Base sa public  advisory  ng  Maynilad   makakaranas  ng  paghina  sa  suplay  ng tubig  o kawalan ng  tubig  ang  ilang  oras  ang mga  customer  sa bahagi  ng  Las  Pinas ,  Parañaque, Pasay  at  Cavite.

Simula  ito  sa  ika-17  ng  Setyembre  araw ng   Huwebes  simula  10 ng gabi  hanggang  sa   Sabado  ika-19 ng  Setyembre.

Samantala, naglaan ang Maynilad Water Services Inc. ng P350 milyong para sa pagtatayo ng dalawang modular treatment plants (MTP) sa Cavite.

Ang MTP ay magpo-produce ng dagdag na 13 milyong litro kada araw ng inuming tubig na sapat para sa may 50,000 residente sa naturang lugar.

Ang MTPs ay gagamitin sa ultrafiltration at reverse osmosis techno-logy para linisin ang raw water mula sa mga ilog ng Imus, Cavite.

Ang paglalagay ng MTPs ay iuugnay sa discharge pipeline para idugtong ang pasilidad sa kasalukuyang pipe network ng Maynilad sa lugar at inaasahang matatapos ito sa Pebrero 2021.

Maliban dito, maglalagay pa ng dalawa pang MTPs sa last quarter ng 2021, isa sa Bacoor at isa sa Las Pinas, ito naman ay magbibigay ng dagdag na 13-milyong litro kada araw ng malinis na tubig para i-suplay sa southern portion ng concession area ng Maynilad.

More in Metro News

Latest News

To Top