Connect with us

Pumupondo sa mga tatakbong pangulo sa 2022 election, pinabubusisi ng ilang mambabatas

Mahigit 8 buwan bago ang 2022 national and local elections, may payo ngayon ang ilang kongresista kung paano kikilatisin ng mga botante ang mga ka-kandidato

National News

Pumupondo sa mga tatakbong pangulo sa 2022 election, pinabubusisi ng ilang mambabatas

Mahigit 8 buwan bago ang 2022 national and local elections, may payo ngayon ang ilang kongresista kung paano kikilatisin ng mga botante ang mga ka-kandidato sa mga matataas na posisyon sa gobyerno.

Partikular na dito ang mga tatakbong pangulo at ikalawang pangulo.

Sa programang Point of order sa SMNI News, pandemic response at kung sino ang supporter ng isang kandidato ang dapat maging batayan ayon kay Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez.

“I think every presidential and vice presidential aspirant should be able to communicate to the people, ano ba ‘yung plano mo for this pandemic, not just overcoming it but actually getting back on our feet again. Kasi nakapa naman talaga tayo ngayon eh. So if we have a leader, how will you bring back the country back to its feet? And also I would be very interested to know kung sino yung mga nakapaligid sa kanya should he win. Importante yun ha.”

Bukod dito, giit rin ni Torres-Gomez na dapat ring mabusisi kung sino at saan konektado ang financier ng isang kandidato.

Ayon naman kay Rep. Mike Defensor ng Anakalusugan Party-list,”Importante ring malaman kung sino ang pumupondo. Kasi pang ang pumupondo may koneksyon sa mga negosyong nakakaapekto sa ating tao- walang masama ah? People can really help, the businessman could really help. In effect magkakaroon ng quid-pro-quo ika nga ay may kapalit at mapapahamak ang taumbayan.”

Sinabi din ni Rep. Robert “Ace” Barbers ng 2nd District, Surigao del Norte at Chairman, House Committee on Dangerous Drugs, “Importante nga nating malaman eh. Kunyare eh yung nagsu-support pala sayo ay isang Chinese drug lord. Of course you have all the resources because it’s provided by the drug lord. And yet after you win manghihingi siya ngayon ng kapalit, yung kapalit definitely would be something that would interest him or that would protect his business.”

Ibinahagi din ni Rep. Lucy Torres-Gomez, “I am traumatized by peace and order problems mula noong bata kami. We were always under the threat of NPA. When we became older, what became of our safe and beautiful city naging drug infested. So I would like to have a leader na walang links talaga sa drugs.”

Ilan sa mga nagdeklara na para sa presidential race ay sina Manila Mayor Isko Moreno, Senators Ping Lacson at Manny Pacquiao.

Habang inaabangan pa ang pasya nila VP Leni Robredo, Senator Bong Go, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Bongbong Marcos at dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

More in National News

Latest News

To Top