Patay ang isang pulis habang sugatan ang isa pang pulis sa engkwentro sa Libertad, Misamis Oriental.

Pulis, patay, isa pa sugatan sa engkwentro sa Misamis Oriental

Regional

Patay ang isang pulis habang sugatan ang isa pang pulis sa engkwentro sa Libertad, Misamis Oriental.

Ayon kay Police Brigadier General Rolando Anduyan, Regional Director ng Police Regional Office 10, nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis sa National Highway sa Poblacion, Libertad, Misamis Oriental nang magpaulan ng bala ang limang armadong lalaki na nakasakay ng puting kotse.

Isinugod pa sa Initao Hospital, Misamis Oriental si Police Staff Sergeant Ronald Caayupan pero idineklarang dead-on-arrival habang dinala sa ibang ospital ang sugatang si Police Chief Master Sergeant Fernando Maestrado.

Narekober sa crime scene ang apat na caliber 45, dalawang KG 9, isang 9mm pistol, apat na handgranade at limang piraso ng plastic na hinihinalang naglalaman ng shabu.

Kasabay ng ikinasang hot pursuit operation ay nahuli ang isa sa mga suspek.