Connect with us

Pulis na namaril ng kapitbahay, maaring may protektor – Sen. Marcos

Naniniwala si Sen. Imee Marcos na hindi malayong isang regular na hitman ang Paranaque Police na si Jonel Nuezca na kamakailan ay walang awang namaril ng dalawang kapitbahay dahil sa alitan.

National News

Pulis na namaril ng kapitbahay, maaring may protektor – Sen. Marcos

Naniniwala si Sen. Imee Marcos na hindi malayong isang regular na hitman ang Paranaque Police na si Jonel Nuezca na kamakailan ay walang awang namaril ng dalawang kapitbahay dahil sa alitan.

Malinaw aniya na sanay na sanay ng mamaril at manakit ang naturang pulis gamit ang kaniyang service fire arm.

Dahil dito, malaking katanungan sa Senadora kung sino ang padrino o protektor ng naturang pulis.

“Sino ang mga padrino nito?  Malinaw na sanay na sanay mamaril at manakit ang pulis ng mga tao na parang target practice lang, gamit ang kanyang service firearm.”

Matatandaan naman na dahil na rin sa insidente ng pamamaslang ng pulis ay lumitaw ang police record nito na kung saan ay nasangkot na rin ito sa dalawang kaso ng homicide na nabasura lamang.

Taong 2013 ng nasampahan din ito ng grave misconduct, taong  2014 ng masuspinde naman si Nuezca sa pagtangging sumailalim sa drug test at taong 2016 ng nasampahan naman ito ng serious neglect of duty.

Kapareho din sa kasong isinampa laban dito noong 2013 at 2016 ay pareho ding nabasura lamang.

Pagkatapos naman ng pamamaril ng nasabing pulis ay marami sa mga senador ang naghain ng resolusyon para maimbestigahan sa senado ang sunod sunod na pamamaslang sa bansa.

Ito ay sina Minority Leader Juan Miguel Zubiri, Sen. Sonny Angara, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Grace Poe at Nancy Binay.

Sa ilalim ng Resolution No. 600 ay nais ng mga ito na magkaroon ng inquiry ang pagpaslang sa 15 abogado, doktor journalist at iba pa sa loob lamang ng anim na buwan.

Ito ay para malaman kung ano ang pagkukulang sa law enforcement ng bansa.

Bago naman ito ay una ng naghain  ng magkaparehong resolution ang mga senador na sila Risa Hontiveros, Ralph Recto, Franklin Drilon, Francis Pangilinan, Leila de Lima at Richard Gordon noong Dec. 17.

 

More in National News

Latest News

To Top