Connect with us

Pulis na namaril ng kapitbahay, hindi dapat kaawaan

Hayagang sinabi ni Dating PNP Chief Sen. Panfilo "Ping" Lacson na hindi dapat kaawaan ang Paranaque Police Officer na namaril ng nakaalitan na kapitbahay noong linggo ng hapon at dapat itong mabulok sa bilangguan.

National News

Pulis na namaril ng kapitbahay, hindi dapat kaawaan

Hayagang sinabi ni Dating PNP Chief Sen. Panfilo “Ping” Lacson na hindi dapat kaawaan ang pulis na namaril ng nakaalitan na kapitbahay noong linggo ng hapon at dapat itong mabulok sa bilangguan.

Ito aniya ay kung pagbabasehan ang lumabas na video ng pamamaril ni  Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-ina na kinilala ng pulisya na  sina Sonya Gregorio at anak na si Frank Anthony Gregorio na kapitbahay ni Nuezca sa Purok 2, Barangay Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac na diumanoy may matagal ng alitan sa suspek patungkol sa right of way.

“If what’s on video tells the whole story, I enjoin the Philippine National Police leadership to show no mercy. They should spare no effort to make sure that he rots in jail. He’s the last policeman that they need in the force,” ani Lacson.

Makikita sa video na ginawa ng suspek ang pamamaril matapos magkasagutan ang batang anak ni Nuezca at si Sonya Gregorio.

Dagdag naman ni Lacson na dapat ng ikunsidera ng PNP ang pagbabago sa polisiya ng mga ito hinggil sa paggamit ng baril ng kanilang hanay para na rin sa proteksyon ng publiko mula sa mga skalawag na pulis.

Aniya, dapat ipagbawal na sa mga mga otoridad ang pagdadala ng fire arms kapag off duty.

Napag alaman kay Tarlac Police Col. Renante Cabico na si Nuezca ay off duty noong nangyari ang pamamaril  at kagagaling lang niya sa Paranaque kung saan siya nakaassign.

“As a policy recommendation, policemen should turn in their issued firearms to their unit’s armorer or supply officer when on off-duty status. That said, they should not be issued Permits to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) while still in the active service.”

Samantala, hindi rin ikinatuwa ng mga minority senator ang nasabing pamamaril ng pulis sa nakaalitang pamilya.

Para kay Minority Floor Leader Franklin Drilon, ang ginawang pamamaril ng suspek sa harap ng anak nito ay isang malademonyong gawain at dapat itong habang buhay na makulong .

Ani Drilon, “So long as the culture of impunity exists in the country, and when there is a system that rewards misdeeds instead of punishing them, police abuses and violence will continue. Impunity breeds trigger-happy cops.”

Maging si Sen. Risa Hontiveros ay nagpahayag ng pagkaalarma sa ginawang pamamaril ni Nuezca sa harap ng kaniyang anak na babae.

Ayon kay Hontiveros dadalhin nito sa Senado ang nasabing usapin para aniya muling magkaroon ng dignidad ang batas at bigyang linaw ang kahulugan ng pagpatupad ng peace and order.

Paiwanag ng senadora, “It’s time to remove this trick mirror that makes these police think they are all-powerful & untouchable. Nasa ilalim din sila ng batas. These rogues act like they are judge, jury, and executioner. They are not. Binabastos nila ang batas.”

Nakidalamhati naman si Sen.  Kiko Pangilinan sa mga naiwang pamilya ng biktima at sinabing ang  pangyayari ay resulta ng magaang treatment ng gobyerno sa mga pulis na nagkakamali sa kanilang serbisyo.

“Dahil walang parusa sa kapulisan o mga matataas na opisyal ng gobyerno na sangkot sa katiwalian o kaya inaabuso ang pwesto, tuloy-tuloy ang pang-aabuso ng mga ito.”

Sa ngayon ayon sa PNP Region 3 double murder ang haharaping kaso ng suspek na mayroon na rin aniyaang homicide charges bago pa ang kaniyag ginawang pamamaril.

More in National News

Latest News

To Top