Connect with us

Pulis na nakabaril ng isang ginang, masisibak sa serbisyo

Pormal nang inalis sa serbisyo ng PNP si Police Master Sergeant Hensie Zinampan matapos barilin at mapatay ang isang babae sa Quezon City noong Mayo.

National News

Pulis na nakabaril ng isang ginang, masisibak sa serbisyo

Tiniyak ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar na masisibak sa serbisyo ang pulis na nakabaril sa isang babae sa Quezon City.

Ayon kay Eleazar, inatasan na niya sina QCPD director Police Brigadier General Antonio Yarra at Internal Affairs Service Inspector General Alfegar Triambulo na magsagawa ng imbestigasyon laban kay Police Master Sergeant Hensie Zinampan, nakatalaga sa Police Security Protection Group (PSPG).

May be an image of one or more people, people standing, military uniform and text that says 'RITEHERE HERE BEFORE OU ENTER CIDU Detain'

Pinamamadali na rin ni Eleazar ang kasong administratibo laban sa pulis upang agad itong maalis at matiyak ang hustisya sa pamilya ng biktima.

“Karumal-dumal at hindi katanggap-tanggap ito dahil pulis dapat ang nagpo-protekta sa ating mga kababayan, at hindi ang nag-a-astang kriminal laban sa kanila,” ani Eleazar.

“Pinapa-madali ko na ang administrative cases laban sa pulis na ito para mapabilis na din ang pagtanggal sa kanya sa PNP. Bukod ito sa criminal case na pinamamadali ko na rin para mabigyan ng hustisya ang biktima,” dagdag pa nito.

Nabatid na bumibili lang ng sigarilyo ang biktima na kinilalang si Lilybeth Valdez nang barilin ng pulis na kalaunan ay napag-alaman na nasa impluwensiya ng alak.

Nakuhanan ng video ang insidente at nag-viral sa social media pero itinanggi ito ng pulis.

Humihingi naman ng dispensa Eleazar sa pamilya biktima.

“Humihingi din ako ng paumanhin sa ating mga kababayan sa inasal ng kriminal na pulis na ito. IIlan lang ang mga bugok na ito sa aming hanay kaya makakaasa kayo na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang itama ang mga kamaliang ito para sa proteksyon ng aming organisasyon at para maibalik ang tiwala na taumbayan sa kanilang kapulisan,”

Sa ngayon, nakikiramay ang PNP sa ginawang karumal-dumal na pagbaril sa ginang.

“On behalf of the men and women of the PNP, taus-puso po akong nakikiramay sa pamilya at humihingi ng paumanhin sa inasal ni Police Master Sergeant Zinampan. Makakaasa ang pamilya na hindi ko palalampasin ito at personal kong tutukan ang mga kaso upang mabigyan ang hustisya ang biktima.

Sinabi pa ng PNP chief, “Patuloy ang internal cleansing natin sa mga nakalipas na taon byt on my part, we want it to be long-term kaya umpisa pa lang, pigilan na natin na makapasok sa PNP ang mga ganitong klaseng pulis dahil hindi lang nila sinisira ang aming organisasyon kundi nagiging perwisyo din sa taumbayan na dapat naming pinag-lilingkuran at binibigyan ng seguridad,”

 

 

More in National News

Latest News

To Top