Connect with us

Pulis na bumaril sa isang teenager na may autism sa Valenzuela, sinibak na

Tuluyan nang sinibak sa trabaho ang pulis na sangkot sa pagpaslang ng isang lalaking may autism sa Valenzuela noong Mayo.

National News

Pulis na bumaril sa isang teenager na may autism sa Valenzuela, sinibak na

Tuluyan nang sinibak sa trabaho ang pulis na sangkot sa pagpaslang ng isang lalaking may autism sa Valenzuela noong Mayo.

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar ang pagkakasibak nito.

Magugunitang 4 na pulis ang tinanggal muna mula sa kanilang assignments matapos nasangkot sa pagpatay ng teenager sa isinasagawa nilang tupada raid noong Mayo.

Batay sa eyewitness ng pamilya ng teenager, isang police umano ang yumakap sa biktima bago ito binaril.

Sinabi rin ng pamilya ng biktima na wala sa tupada site ang teenager.

Dahil sa hindi pa natukoy kung sino sa 4 na pulis ang umanoy bumaril noong Mayo, pansamantala na munang inalis sa kanilang assignments ang mga ito.

Ngunit ngayong araw, nasibak na sa pwesto ang tinutukoy na pulis na pumaslang sa teenager na may autism.

More in National News

Latest News

To Top