Publiko, binalaan sa paggamit ng dexamethasone laban sa COVID- 19

National News

Binalaan ni ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran ang publiko sa paggamit ng dexamethasone laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ay makaraang ibunyag ng mga mananaliksik sa United Kingdom (UK) na nakita nilang epektibong gamot ito sa mga nasa kritikal na pasyente na kontaminado ng virus.

Nanawagan din ang House Assistant Majority Leader sa Department of Health(DOH) at Food and Drug Administration(DFA) na habulin ang mga nagbebenta ng gamot na ito online o diretso sa mga tao na walang reseta ng doktor.

Sinabi ni Taduran, “This drug is a steroid. It suppresses the immune system. Kung wala kang sakit at gagamitin mo ito, maaaring bumagsak ang iyong resistensya at mas lalo kang hindi makalaban sa sakit. Hindi ito proteksyon laban sa COVID-19.”

Nagbabala rin ang mambabatas sa mga nagpapa-bakuna ng kumbinasyon ng gamot kasama ang steroid na ito dahil walang bisa ang sinabing gamot laban sa virus.

Aniya, “It is very alarming that videos are circulating online regarding an injection which is supposedly being offered as a protection against COVID-19. Apparently, this injection has dexamethasone, procaine which is an anaesthesia or pain reliever, and Vitamin B. Don’t be fooled by the claims that this combination of drugs can help prevent the attack of the Novel Coronavirus in the body. There’s no vaccine yet.”

Ang dexamethasone ay inirereseta lamang sa mga pasyenteng may inflammation at overactive immune system tulad ng may lupus, arthritis, asthma at matinding allergy.

Sa isinagawang clinical trial sa mga nasa kritikal na COVID-19 patients sa UK,  ang mga nabigyan ng dexamethasone na nasa mababang dosage lang na 6 milligrams bawat araw sa loob ng 10 araw ay gumanda ang kalagayan.

Nabawasan din ng 20 porsyento ang panganib na sila ay masawi.

Gayunman, ang steroid ay walang epekto sa mga hindi malala ang kaso ng COVID-19 o sa mga hindi pa kinakabitan ng mechanical ventilator at nangangailangan ng dagdag na oxygen.