Bayanihan at volunteerism, patuloy na nangingibabaw sa bansa sa panahon ng COVID-19 crisis

Public transport, gawing ligtas – Sen. Grace Poe

National News

Ipinapasiguro ni Senator Grace Poe sa pamahalaan na gawing prayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero, drayber at ng mga enforcer sa muling pagbabalik ng ilang public mass transport.

Ani Poe hindi dapat makaligtaan ng bawat isa ang social distancing, pagsusuot ng facemask at madalas na pagdis-infect.

Kasunod nito ay hiniling ng mambabatas sa Department of Transportation (DOTR) na magkaroon ng tuloy-tuloy na pagbabantay lalo na at tumataas na ang demand sa public transport.

Samantala, nanawagan din ang senadora sa gobyerno na huwag hayaan na walang kitain ang ating mga kababayan sa kawalan ng masasakyan.

Dagdag pa ni Poe na huwag din sana mapunta ang kanilang mas maliit na kita sa mas mahal na uri ng transportasyon sa gitna ng kawalan nila ng pagpipilian.