Connect with us

PSA, papangalanan ang mga best athlete 2018

PSA

Sports

PSA, papangalanan ang mga best athlete 2018

MULING magbibigay ng pagkilala ang Philippine Sportswriters Association o PSA sa mga natatanging atletang Pinoy.

Ang mga ito ay gumuhit ng kasaysayan sa larangan ng sports nitong taong 2018.

Mangyayari ang annual awards night ng PSA sa darating na February 26, sa Manila Hotel.

 Matunog naman ang pangalan ng mga Asian games gold medalist na sina weightlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Didal.

Kabilang din ang golf trio na sina Yuka Saso, Bianca Pagdanganan, at Lois Kaye Go na tatanghaling Athelete of the Year.

Papangalanan din ngayong taon sa nasabing ceremony ang magiging President’s Awardee, Executive of the Year, National Sports Association of the Year, at Lifetime Achievement Awardee.

Kabilang din sa bibigyang pagpupugay ay ang mga atletang kikilalanin bilang Mr Basketball, MR and Ms Volleyball, at Mr Football.

Ang taunang pagpaparangal ng PSA sa mga natatanging Pinoy athlete ay upang bigyang importansya ang kani-kanilang naging ambag sa Philippine sports.

DZAR1026 

More in Sports

Latest News

To Top