Nanawagan sa mga leaser

PRRD, nanawagan sa mga leaser at bangko na unawain ang mga SMEs

National News

Nanawagan sa mga leaser si Pangulong Rodrigo Duterte na unawain ngayon ang kalagayan ng mga small, medium enterprises (SMEs) na napilitang magsara dahil sa pandemya.

Image may contain: 2 people, text that says 'CR RESIDENTIAL PHOTOS'Sa State of the Nation Adress (SONA) kanina ng pangulo ay iginiit nito na bayanihan at compassion ang dapat na igawad sa mga maliit na negosyo para makarekober mula sa pagkalugi.

 “The government will intensify, they were the primary source of the income streams.”

Isa sa mga ipinakiusap ng pangulo ay paggawa ng amenable arrangement para sa pagbabayad ng renta ng kanilang mga tenants.

Aniya huwag sana nilang ipagtabuyan ang kanilang mga tenants na wala pang kakayahang magbayad ng renta o ilaw.

Hinikayat din ni Duterte ang Bangko Sentral at ang lahat ng bangko na magkaroon ng adjustment sa paraan ng pagbabayad ng loan ng mga negosyo na walang hinihinging anumang charge .

Sa parte naman ng pamahalaan ay tiniyak naman ng pangulo na nakahanda ang tulong ng gobyerno para sa SMEs para sa kanilang recovery mula sa pandemya.

Aniya all set ang Php 1-B assistance para sa mga negosyo na manghihiram ng pera para sa kanilang negosyo na walang hihinging interes bilang kapalit.

“Ito ang panahon na gumawa ng produktong sariling atin.” – Pangulong Rodrigo Duterte.