Connect with us

PRRD, matagal nang pinalampas ang malaking pagkakautang ng ABS-CBN sa gobyerno

kagabi ay Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagparaya ito sa mga ginawa sa kanya at sa kanyang pamilya ng dating media giant na ABS-CBN.

Metro News

PRRD, matagal nang pinalampas ang malaking pagkakautang ng ABS-CBN sa gobyerno

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagparaya ito sa mga ginawa sa kanya at sa kanyang pamilya ng dating media giant na ABS-CBN.
Sa kaniyang huling SONA, sinabi nitong marami siyang pinalampas na pagkakamali ng network.

“Wala akong problema sa ABS-CBN. They got my money, they wanted to return it with its blow up. But they printed all the garbage including my daughter as a drug trafficker. Nilamon ko nalang lahat yun because I never wanted to appear vindictive.”

Sa kabila nito, muling iginiit ng pangulo na may mga paglabag sa batas na ginawa ang Kapamilya network.

They are cheating government by the billion in taxes and still want that frequency because yan ang pinapag-awayan. I will give it to a Filipino na gustong maggawa ng tamang ano and pay. Because yung sa ABS-CBN even their equipments were imported tax free. Kaya talaga ako hindi magpapayag! They still owe government billions.”

Samantala, muli ring nasilip ng Pangulo ang isyu sa land title ng ABS-CBN compound sa Quezon City.

“So ang binabayaran nila 4 hectares sa property taxes. Supposed to be 40 hectares that complex there. Pero ginamit nila na papel yung 4 hectares. Yun lang ang binabayaran nila, kung hindi ba naman? Kaya ko sila inaway,” ang paliwanag ng punong ehekutibo.

Nauna nang kinuwestyon sa Kamara ang land title ng ABS-CBN compound sa Mother Ignacia.

Ayon kay Deputy Speaker Rodante Marcoleta, kuwestyunable ang hawak na land title ng kumpanya dahil imbes na 44,000 square meter ay pang 42-square meter ang duplicate title na hawak ng network.

Sa ngayon, halos 1 taon nang hindi gumagalaw ang House Resolution 1058 ni Marcoleta para maimbestigahan ang land title ng ABS-CBN.

More in Metro News

Latest News

To Top