Connect with us

PRRD kay Sen. Pacquiao sa usapin sa WPS: Mag-aral ka nang husto

Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquiao na mag-aral muna ito kasunod ng pambabatikos nito sa paninindigan ng pangulo sa usapin sa West Philippine Sea.

National News

PRRD kay Sen. Pacquiao sa usapin sa WPS: Mag-aral ka nang husto

Pinagsabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquiao na mag-aral muna ito kasunod ng pambabatikos nito sa paninindigan ng pangulo sa usapin sa West Philippine Sea.

Una nang nagsabi si Pacquiao na punung-puno na ito at nakukulangan ito sa mga hakbang ng gobyerno sa tensyon sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS.

Sa ekslusibong panayam ni Pastor Apollo C. Quiboloy  kay  Pangulong Duterte sa SMNI News, binigyang-diin ng punong ehekutibo na masyadong mababaw ang senador.

“Apparently this guy has a very shallow knowledge,” ayon sa pangulo.

“If it’s about Foreign Policy I would not want to degrade him but next time you should… Mag-aral ka muna nang husto”, dagdag pa nito.

Para naman sa mga kritiko ni Pangulong Duterte hinggil sa usapin ng foreign policy, sinabi ng presidente na hindi lang ng mga ito naiintindihan kung ano ang independent foreign policy.

“They do not really know also foreign policy. Ewan ko sino nag-udyok to open their mouth about foreign policy. Foreign policy is just about being neutral but ako neutral in the sense that I do not favor one country for the other, nor would I allow any of those countries to be in the Philippines to establish mga… ‘tong mga military bases,” ang paliwanag ni Pangulong Duterte.

More in National News

Latest News

To Top