Connect with us

PRRD, isang political genius – PACQ 

PRRD, isang political genius - PACQ 

National News

PRRD, isang political genius – PACQ 

Binigyang-diin ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng the Kingdom of Jesus Christ sa kanyang Powerline program na alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga ginagawa kasunod ng pagtakbo ni Sen. Christopher Bong Go sa pagkapresidente sa 2022 Elections.

Ayon sa butihing Pastor, ang desisyon ni Pangulong Duterte ay nagpapatunay lang na isa siyang political genius kaya kung anuman ang desisyon ng Pangulo ay dapat itong suportahan.

Pag iyan sinabi niyang Bong Go, Bong Go ang susunod na presidente natin. Doon tayo kasi alam niya ang ginagawa niya. That is another political brilliant move of this president proving that he is a political genius. So, doon tayo. Eh nakita natin ang leadership, nakita na natin ang resulta ng kanyang leadership. Eh saan pa tayo? Diba?

Nauna nang sinabi ni Pastor Apollo na kung hindi tatakbo si Mayor Sarah Duterte, si Sen. Go ang nakikita niyang pinakamalapit na maaaring makapagpatuloy sa mga agawa ng Duterte Administration.

Kaya aminado ang butihing Pastor na nadismaya siya nang malaman niya na tatakbo lamang noon sa pagkabise-presidente si Go.

Pero biglang nagbago ang lahat nang magfile ng substitution of candidacy si Go bilang presidente noong November 13 sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan.

Kaya sinabi ni Pastor Apollo na destiny ni Go ang maging pangulo ng bansa.

Medyo nadishearten ako noong vice president lang ang tinakbuhan niya. Kaya paano na tayo nito? Pero ang Ama nakikita niya ang ating mga damdamin. Biglang sumulpot at pinatalsik si Bong Go pataas. Napaiyak nga ang tao kasi ayaw niya eh. Ayaw niya yun. Malaki ang responsibilidad eh. Kaya nga noong nag-usap usap kami dito. Sinabi ko, ‘Iba talaga Bong Go. Ilaw talaga yung susunod na makapagpatuloy niyan. Namutla ang tao. Kaya nung ginawa siyang Vice President tuwang tuwa siya. Ito na. Okay na ito. Wala nang palitan to. Pero biglang nagbago. So destiny niya. Diba? Para sa atin.

Matatandaang noong November 13, kasunod ng pagbawi ni Senator Bato Dela Rosa ng kaniyang kandidatura sa pagkapangulo, naghain naman ng kaniyang certificate of candidacy (COC) si Senator Bong Go sa pagkapangulo, subalit hindi upang palitan si Dela Rosa.

Iginiit ni Go ma nagwithdraw siya ng kandidatura sa pagka-bise presidente upang iwasang makabanga si Mayor Sara Duterte.

Sabi ni Go, tinanggap nya ang hamon na tumakbo sa pagka-pangulo para maipagpatuloy ang mga pagbabago na sinimulan ng Duterte Administration.

More in National News

Latest News

To Top