Connect with us

PRRD, inatasan ang mga LGU na hanapin ang mga indibidwal na ‘di pa nakatanggap ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine  

PRRD, inatasan ang mga LGU na hanapin ang mga indibidwal na 'di pa nakatanggap ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine

National News

PRRD, inatasan ang mga LGU na hanapin ang mga indibidwal na ‘di pa nakatanggap ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine  

Ipinag utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Local Government Unit (LGU) na hanapin  ang mga indibidwal na hindi pa nakatatanggap ng 2nd dose ng COVID 19 vaccine.

Sinabi ni Pang. Duterte na kailangang mahanap at makumbinsi ang mga ito na kumpletuhin na ang pagpapaturok ng bakuna.

Ito ay matapos matuklasan na mayroong 113,000 indibidwal ang hindi pa nakakakuha ng 2nd vaccine jab dahil sa medical at personal na kadahilanan.

Dagdag pa ni Pang. Duterte, nais din niyang alamin ng mga LGU at mga otoridad kung bakit may ganitong pangyayari sabay inatasan ang mga ito na gumawa ng kaukulang hakbang para tugunan ang sitwasyon.

Gayunman, aminado si Pang. Duterte na pahirapan din para sa kanya ang pagkumbinsi sa mga tao lalo na sa mga matitigas ang ulo.

Patuloy naman na pinaalalahanan ng chief executive ang mamamayang Pilipino na hindi makukumpleto ang kanilang proteksyon kung hindi nila kukunin ang 2nd dose ng bakuna.

More in National News

Latest News

To Top