Connect with us

Protesta laban sa China sa usapin sa WPS kailangang ipagpatuloy – Rep. Biazon

Patuloy na hinimok ni Muntinlupa City Representative Ruffy Biazon ang pamahalaan na ipagpatuloy ang pagprotesta laban China sa West Philippine Sea (WPS).

National News

Protesta laban sa China sa usapin sa WPS kailangang ipagpatuloy – Rep. Biazon

Patuloy na hinimok ni Muntinlupa City Representative Ruffy Biazon ang pamahalaan na ipagpatuloy ang pagprotesta laban sa pananatili ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Sa panayam ng Sonshine radio, sinabi ni Biazon na kahit mistulang deadma lang ang china sa naturang mga protesta, ang mahalaga aniya ay nakikita ito ng international community.

Matatandaang naglabas ng resolusyon sa Kamara si Biazon para kondenahin ang panibagong harassment ng China sa pinag-aagawang teritoryo kung saan mahigit sa dalawandaang Chinese vessels ang nakadaong dito.

Kaugnay nito, inirekomenda ni Biazon na gawing regular ang pagpapatrolya sa West Philippine Sea dahil bahagi aniya ito ng pagpapakita ng karapatan ng bansa sa naturang teritoryo.

Hinikayat din ni Biazon ang gobyerno na paiigtingin pa ang pakikipag-ugnayan sa mga kaalyadong bansa dahil marami naman ang sumusuporta sa bansa matapos na ihayag ng United Nations Convention On The Law Of The Sea (UNCLOS) na sakop ng Pilipinas ang WPS.

More in National News

Latest News

To Top