Connect with us

Programang magbibigay oportunidad at suporta sa pagnenegosyo, isinusulong ng Maharlika Partylist

Isinusulong ng Maharlika Partylist ang mga programang magbibigay ng oportunidad at suporta sa larangan ng pagnenegosyo sa mga Pilipinong lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

National News

Programang magbibigay oportunidad at suporta sa pagnenegosyo, isinusulong ng Maharlika Partylist

Isinusulong ng Maharlika Partylist ang mga programang magbibigay ng oportunidad at suporta sa larangan ng pagnenegosyo sa mga Pilipinong lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Open Photo

Nais ng grupo na maiangat ang antas ng buhay ng mga Pilipinong nasa laylayan.

Open Photo

Maraming pamilya sa Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan dahil sa COVID-19 kung saan may nawalan ng trabaho o nabawasan ng kita dahil sa pandemya.

Dahil sa kahirapan na dinaranas ng mga Pilipino, ito ang nag-udyok na isulong ng Maharlika Partylist ang kanilang mga programa na turuang mag-negosyo ang mga nangangailangang indibidwal.

Open Photo

Ayon kay Dr. Alvin Sahagun, first nominee ng Maharlika Partylist, handa silang tumulong sa mga nangangarap na makapagsimula ng negosyo.

Open Photo

‘’Ang ginagawa po namin… andiyan pa rin ang pagtulong pero naroroon parin kami para turuan ang mga tao tumayo sa sarili nilang paa. Maging independent maging utak negosyante, at kung mayroong kailangang financial assistance para makapagsimula, yong maharlika po open po siya para magprovide ng kakailanganin mo hindi lang sa skills pati financial assistance,’’ayon kay Dr. Alvin Sahagun.

‘’Makikipag work hand in hand kami yong aming organisasyon sa iba pang partner naming samahan para yong mga kababayan natin maging ganap na negosyante. Kasi ang goal natin dito hindi tayo maging dependent sa trabaho ang importante ang mga Pilipino na maging negosyante, maging middle class,’’dagdag nito.

Kung sakaling palarin at makakuha ng puwesto sa kongreso, ani Sahagun magpapatayo sila ng mga financial institution at magsasagwa ng social entrepreneurship programs kung saan ang sinuman ay maaring mamuhunan at kumita gamit ang kanilang kaalaman at kakayahan.

Aniya, nais nila na mabigyan ng pantay na oportunidad at suporta ang bawat Pilipino na mapagyaman ang kanilang talento, edukasyon, at kakayahan sa pamamagitan ng libreng pagsasanay ayon sa kanilang pangangailangan.

Isinusulong din ng grupo ang mga programang susuporta sa mga produktong sariling atin lalo na ng mga produktong gawa ng mga Indigenous People (IP).

‘’Halimbawa, yung mga produkto nila…pag sila ang gumawa pwede namin silang ilagay sa aming online platform kung paano e market gamit ang internet paano siya ma ipromote sa E-commerce na ginagawa natin ngayon. Kailangan yong mga katutubo natin matoto din sila gamitin yong teknolohiya na meron po tayo, na hindi nila makalilimutan ang kanilang kultura,’’ayon kay Dr. Sahagun.

Kumpiyansa si Sahagun at ng kanyang grupo na malaki ang kanilang maiaambag sa mga Pilipino na nasa marginalized sector dahil na rin sa naging karanasan nito sa buhay.

Sa kasalukuyan, ang Maharlika ay may 80,000 miyembro sa buong bansa.

Naitatag ang grupo noong 2017 na kung saan nagsasagawa ito ng mga livelihood program at seminar upang tulungan ang mga Pilipino na nais magnegosyo.

Sasamahan si Sahagun ng iba pang nominee’s ng Maharlika Partylist na sina James Salas, dating UMD Dancer na ngayon ay aktibong membro ng Advocate of Change at Gilbert Tani, NCR VII Governor, Fraternal Order of Eagles.

More in National News

Latest News

To Top