Malapit ng mapuno ang mga private hospital sa bansa ng COVID-19 patients ayon sa Private Association of the Philippines (PHAPI).

Private hospitals, malapit ng mapuno ng mga COVID-19 patients

National News

Malapit ng mapuno ang mga private hospital sa bansa ng COVID-19 patients ayon sa Private Association of the Philippines (PHAPI).

Sa isang pahayag, sinabi ni PHAPI President Dr. Rustico Jimenez na bunsod ito sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease sa bansa.

Ani Jimenez, marami umanong mga pasyente na mas pinipili ang manatili sa mga private hospital kung ikukumpara sa mga isolation facilities ng pamahalaan.

Kadalasang dinadahilan nito na mas malapit ang naturang hospitals sa bahay nila at madali silang mabisita ng mga kaanak nito.

Samantala, ipinanawagan naman ni Jimenez ang kakulangan ng mga health workers ngayong pandemya.