Connect with us

Price freeze sa mga gamot at medical supply sa mga apektado ng Taal Volcano eruption, ipinag-utos ng DOH

Iniutos na ng Department of Health (DOH) ang price freeze sa mga gamot at medical supplies sa mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Health

Sa inilabas na 8 pahinang memorandum ng DOH, sakop ng price freeze ang masks, nebulizer, at ilang gamot tulad ng anti-allergics paracetamol, antibiotics, cardiovascular medicines at iba pa.

Makikita sa listahan na ang presyo ng N95 mask ay nasa pagitan lamang ng p45 hanggang p105 habang nasa P1.10 hanggang P8 naman ang disposable face mask.

Sinabi ng DOH na ang pagtatakda ng presyo ay dahil tiyak ang pangangailangan ng gamot sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad at para maiwasan ang pagkakaroon ng epidemya sa mga apektado.

More in Health

To Top