Connect with us

Price cap para sa COVID-19 tests, nakatakda ng ilabas– DTI

Sumampa na sa 450,733 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas hanggang ngayong Lunes, Disyembre 14.

National News

Price cap para sa COVID-19 tests, nakatakda ng ilabas– DTI

Nakatakdang ilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Health (DOH) ang price cap para sa Coronavirus disease (COVID-19) tests.

Ito, ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez sa laging handa public briefing kung saan maaaring ngayong araw o bukas ito mailalabas.

Paglalahad ng kalihim, seryoso sila sa pagdedetermina ng price cap sa testing para sa COVID-19 at iaanunsyo naman aniya ito ng DOH.

Inireport na rin ni Lopez kay Pangulong Rodrigo Duterte ang patungkol dito noong nagkita sila nitong Biyernes sa ginanap na virtual apec summit at inilahad ang preliminary report.

Matatandaang nag-isyu si Pangulong Duterte ng Executive Order 118, bagay na nag-uutos sa DOH at DTI na kontrolin ang pagprepresyo ng COVID tests sa gitna ng pandemya upang hindi naaabuso.

Ipinag-utos din ng pangulo ang pagdetremina, pag-formulate at pag-implementa ng price range para sa COVID-19 testing.

Mababatid na may iilan na nagbibigay ng nasabing RT-PCR tests na umaabot hanggang P12,000 kahit na buhay at kamatayan na ang usapan sa pag-alam kung may COVID-19 ang tao o wala.

Samantala, una nang inihayag ng DOH na kinonsulta nila ang iba’t-ibang stakeholders ukol sa price cap ng COVID-19 tests at kits.

More in National News

Latest News

To Top