presyo mahigpit binabantayan DTI

Presyo ng mga pangunahing bilihin, mahigpit pa ring binabantayan ng DTI ngayong GCQ

National News

Mahigpit na binababantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng mga pangunahing bilihin, gadgets, at mga bisikleta.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na base sa kanilang monitoring. Very stable din ang presyo ng mga manufactured food products na saklaw ng DTI sa ilalim ng Price Act.

Inihayag din ni Castelo na walang problema sa mga suplay. Aniya, nakatatanggap ang ahensya ng rekwes mula sa mga manufacturer na alisin na ang anti-hoarding at anti-panic buying memorandum circular.

Ito’y dahil nililimitahan nito ang pagbili ng mga konsyumer dahil sa pagpigil sa panic buying simula noong nasa ilalim pa sa enhanced community quarantine ang Metro Manila at ilang bahagi ng bansa.

Gayunpaman, pinag-aaralan pa ng DTI kung tatanggalin na nila ang ‘purchase limit’ partikular ng mga pangunahing bilihin.