Connect with us

Press freedom, patuloy na ipaiiral at rerespetuhin ng bansa ayon sa palasyo

Press freedom, patuloy na ipaiiral at rerespetuhin ng bansa ayon sa palasyo

National News

Press freedom, patuloy na ipaiiral at rerespetuhin ng bansa ayon sa palasyo

Ipaiiral at rerespetuhin pa rin ng administrasyon ni Pang. Rodrigo Duterte ang kalayaan ng pamamahayag sa bansa.

Ito ay sa gitna ng pag-alala sa ika-12 taon ng Maguindanao massacre.

Ayon kay cabinet secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, sa panahon ng kasalukuyang administrasyong Duterte nahatulan ng guilty ang Ampatuan clan sa nangyaring 2009 massacre na ikinasawi ng 58 katao kabilang ang 32 journalists.

Magugunitang nagpahayag din ng pakikiramay sapamamagitan ng isang dalangin para sa mga biktima ng ampatuan massacre kasama na rito ang pag-kondena sa nasabing karumaldumal na krimen.

Samantala, tiniyak naman ni Presidential Task Force on Media Security Executive Director Joel Sy Egco na patuloy na aaksyunan ng gobyerno ang kasong ito hanggang sa mapanagot ang lahat ng mga nasa likod ng krimen.

More in National News

Latest News

To Top