Connect with us

Presidential aspirant na si Tiburcio Marcos, ipinadedeklara bilang nuisance ni BBM

Presidential aspirant na si Tiburcio Marcos, ipinadedeklara bilang nuisance ni BBM

National News

Presidential aspirant na si Tiburcio Marcos, ipinadedeklara bilang nuisance ni BBM

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na may nakabinbing petisyon ang kampo ni dating senator Bongbong Marcos laban sa isa pang presidential aspirant na nagngangalang Tiburcio Marcos.

Sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na ang petisyon ni Bongbong ay humihiling na ideklarang nuisance candidate si Tiburcio Marcos dahil ang kandidatura anya ni Tiburcio ay makakalito lang sa mga botante, at maituturing na mockery sa eleksyon.

Kasabay nito ay may nakahain din na petisyon si Tiburcio Marcos na nagpapa-kansela sa certificate of candidacy (COC) ni Bongbong Marcos para sa eleksyon 2022.

Katulad naman ng petisyon ni Bongbong na ideklarang nuisance candidate si Tiburcio ay ganito rin ang kahilingan ni Tiburcio na ideklara din si Bongbong bilang nuisance candidate.

 

More in National News

Latest News

To Top