Connect with us

Presidential aspirant Manny Pacquiao, posibleng bababa sa pagka-VP

Presidential aspirant Manny Pacquiao, posibleng bababa sa pagka-VP

National News

Presidential aspirant Manny Pacquiao, posibleng bababa sa pagka-VP

Masukal pa ang posibleng mangyayari bago ang November 15.

Kasunod ito sa pag-withdraw ni Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka alkalde para sa susunod na eleksiyon.

Sa panayam ng Sonshineradio sa political analyst at propesor clarita carlos, sinabi nitong malaki ang posibilidad na sa pagkapangulo ang tatakbuhan ni mayor sara.

Nabanggit din nitong baka baba si retired boxer Manny Pacquiao sa pagka vice president.

Nakikita rin ni propesor Clarita Carlos na tatakbo bilang pangulo ng bansa sa 2022 si Davao City Mayor Inday Sara Duterte batay aniya sa kanyang pinagdugtong-dugtong na mga pangyayari.

“Sa maraming interviews ko kahapon, ramdam ko ay si Sara will run for the top position, malay mo si Manny Pacquiao will in fact slide down to the vice presidency.”, pahayag ni Prof. Carlos.

Ayon pa kay Carlos, abangan nalang umano kung ano ang mangyayari sa susunod na araw at antayin na din ng publiko kung ano ang sorpresa na sinasabi ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda hinggil dito.

Samantala, sinabi pa ni Prof. Carlos na kung anuman ang magiging desisyon ng mga kandidato sa 2022 election ay ang mga botante na ang magtatakda sa panahon ng halalan.

Pinagsabihan din ni Carlos ang mga bumabatikos sa mga kandidato na huwag gumamit ng masasamang salita at huwag abusuhin ang kalayaan sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top