Binigyang-diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kahalagahan na maging ganap na batas ang Anti-Terrorism Bill matapos mapatay ang apat na miyembro ng Daulah Islamiyah sa Parañaque City.

Presensya ng terorista sa Metro Manila, patunay na kailangan ang Anti-Terror Bill

National News

Binigyang-diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kahalagahan na maging ganap na batas ang Anti-Terrorism Bill matapos mapatay ang apat na miyembro ng Daulah Islamiyah sa Parañaque City.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Filemon Santos, patunay lamang na ang presensya ng mga terorista sa Metro Manila ay walang kinikilalang pandemya o paghihirap ng publiko.

Hindi anya hadlang sa mga ito ang COVID-19 para maghasik ng karahasan.

Sinabi pa ni Santos na nakasalalay sa panukalang batas ang kaligtasan at seguridad na publiko na kailangan nilang pangalagaan laban sa mga terorista.

Kinilala ang mga nasawi na sina Bensaudi Sali, Merhama Abdul Sawari, Rasmin Hussin at Jamal Kalliming.