Connect with us

Preliminary investigation sa pagkamatay ni Christine Dacera, sisimulan na

Nakatakda nang simulan ng Makati City Prosecutors Office ang preliminary investigation sa kaso ng pagkakapatay sa flight attendant na si Christine Dacera.

National News

Idaraos ito sa January 13, 2021, alas-10 ng umaga, makaraang naglabas ng inquest resolution ang Makati City Prosecutors Office laban sa mga itinuturong suspek sa pagkamatay ni Dacera.

Kagabi ay naglabas ng resolusyon ang city prosecutor na release for further investigation kaya pansamantalang pinalaya muna ang tatlong suspek sa krimen na sina John Pascual Dela Serna III; Rommel Galido; at John Paul Halili.

Ipinaliwanag ng Makati City Prosecutors Office na kailangan pang magsagawa ng regular na preliminary investigation sa kaso para matukoy kung ni-rape muna bago pinatay si Dacera at kung ano ang tunay na dahilan ng ikinamatay ng biktima.

More in National News

Latest News

To Top